Sagot Sa Tanong Na “Bakit Mahalaga Ang Agrikultura?”
KAHALAGAHAN NG AGRIKULTURA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung bakit nga ba mahalaga ang agrikultura at ang mga halimbawa nito.
Ang Pilipinas ay isang bansa na malakas sa agrikultura. Kaya naman, mahalaga ito sa ating bansa. Ito’y nagbibigay ng pagkain sa mga Pilipino at nagtataguyod ng trabaho sa marami sa ating mga kababayan.
Dahil dito, dapat nating bigyang pansin ang agrikultura para mas mapalakas ang sektor na ito. Heto pa ang ilan sa mga halimbawa ng kahalagahan ng agrikultura:
- Nagbibigay ng pagkain ang sektor ng agrikultura
- Dahil sa klima ng Pilipinas, maraming mga tanim o produktong pang agrikultura ang ating makukuha. Mula sa palay, mais, tubo, patatas, at iba pa.
- Dito galing ang mga likas na materyal na ginagawa sa pagbuo ng bagong produkto
- Sa sektor na ito, ating makikita ang mga hilaw na sangkap mula sa kalikasan. Kasama na dito ang kabukiran, at karagatan na maaaring gamitin sa paggawa ng panibagong produkto.
- Nagbibigay ng maraming export sa bansa
- Dahil mayaman ang bansa sa agrikultura, ang ating mga produkto ay madaling i-export papunta sa ibang mga bansa. Dahil dito, nakakakuha ng dolyar ang ating bansa.
- Nagbibigay ng trabaho
- Base sa National Statistics Office (NSO) para sa taong 2012, 32% ng mga Pinoy na nag tatrabaho ay nabibilang sa sektor ng agrikultura.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Ano Ang Philippine Rehabilitation Act Of 1946? (Sagot)