Pagsukat Ng Pambansang Kita – Kahulugan At Halimbawa

Ano Ang Mga Paraan Ng Pagsukat Ng Pambansang Kita? (Sagot)

PAMBANSANG KITA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung paano nga ba ang pagsukat ng pambansang kita at ang mga halimbawa nito.

Ang ating pambasang kita ay tinatawag na “Gross National Income”. May tatlong pamamaraan ng pagsukat nito.

Pagsukat Ng Pambansang Kita – Kahulugan At Halimbawa

1. Pamamaraan Batay sa Gastos (Expenditure Approach)  

Ang ekonomiya ng bansa ay may apat na sektor ito ay ang sambahayan, pamahalaan, bahay-kalakal, at panlabas na sektor. Ang lahat ng ito ay may bagay na ginagastusan at ito ay ang mga sumusunod:

  • Gastusing personal (C)
  • Gastusin ng mga namumuhunan (I)
  • Gastusin ng pamahalaan (G)
  • Gastusin ng panlabas na sektor (X – M)

Gingamit natin ito sa formula na: “Statistical discrepancy (SD, at Net Factor Income from Abroad (NFIFA). Ginagamit ang : GNI = C + I + G + (X – M) + SD + NFIFA bilang pormula sa pagkuwenta ng Gross National Income.”

2. Pamamaraan Batay sa Kita (Income Approach)

Ito ay galing sa suweldo ng mga manggagawa, buwis, kita ng mga korporasyon, at iba pa.

3. Pamamaraan batay sa pinagmulang industriya (industrial origin approach)

Masusukat ang Gross Domestic Product sa pagsasamasama ng kabuuang halaga ng produksiyon; ang sektor ng industriya, agrikultura, at serbisyo ang pangunahin sa bahaging ito.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Kailan Masasabing May Pag-Unlad? (Kahulugan At Halimbawa)

Leave a Comment