Heto Ang +5 Na Halimbawa Ng Eksistensyal At Ang Kahulugan Nito
ANO ANG EKSISTENSYAL – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng eksistensyal at ang mga halimbawa nito.
Kapag sinabi nating eksistensyal, ang ibig sabihin nito ay ano mang pangungusap na nagpapakita ng pagka-mayroon o pagka-wala ng isang bagay. Heto ang mga halimbawa:
- May nakarinig ng malakas na sigaw. (nagsasaad ng pagka-mayroon)
- Walang tumanggi sa plano ni Peter. (nagsasaad ng pagka-wala)
- May kulang pa sa luto ni nanay. (nagsasaad ng pagka-wala)
- Wala pang assignment na naibigay si titser. (nagsasaad ng pagka-wala)
- May laman ang kahon mong dinadala. (nagsasaad ng pagka-mayroon)
Ating tandaan na ang eksistensyal ay bahagi ng isang pangungusap. Maaari itong maging pangungusap na walang paksa. Heto ang mga halimbawa:
- May kumakanta.
- Walang nakarinig.
- May dadaan pa.
- Walang sumasayaw.
- May gamit sa baon.
KATANGIAN NG EKSISTENSYAL
Sa mga pilosopikal na sulatin o akda, ang pariralang eksistensyal ay kadalasang ginagamit. Ang mga bagay na humihingi ng paliwanag tungkol sa tunay na halaga ng pagkatao ng isang tao sa mundo ay tinutukoy bilang existential.
Ito ay isang aspeto ng eksistensiyalismo, kung saan itinuturing ng mga pilosopo ang pagkakaroon ng tao bilang isang problema na nangangailangan ng solusyon.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Langkapan Na Pangungusap Halimbawa At Kahulugan Nito