Heto Ang Mga Halimbawa Ng Hakbang Sa Pagbuo Ng Makabuluhang Pananaliksik
PAGBUO NG MAKABULUHANG PANANALIKSIK β Sa paksang ito, ating pag-aaralan ang mga hakbang sa pagbuo ng makabuluhang pananaliksik.
Ang pananaliksik ay isa sa pinakamahalagang bagay na dapat nating bigyang pansin. Dahil sa pananaliksik, ating masasagot ang mga isyung panlipunan na patuloy na nagiging problema para sa mga tao.
Bukod dito, mahalaga rin ang pananaliksik dahil ito’y tumutulong sa pagpapaunlad ng hindi lamang teknolohiya, kundi pati na rin ang buhay ng mga tao.
Pero, ano nga ba ang mga hakbang na ating kailangan para mabuo ang isang makabuluhang pananaliksik?
Ang pagpili ng paksa ay ang unang kailangan. Para makuha o malaman kung ano ang isang mabuting paksa, ating tignan ang paligid natin, ang lipunan, o ang bansa.
Ating tignan kung ano ang mga isyung patuloy na bumabalik at ating tanungin ang sarili natin kung ano ang posibleng magagawang solusyon para dito.
Pagkatapos nito, mayroon ka nang problemang gustong bigyan ng solusyon. Maari mo na itong maging paksa. Kasunod, ating gawin ang pagpapahayag ng layunin ng pananaliksik, ang tentatibong balangkas, ang paghahanda ng bibliograpiya, at pangangalap ng datos.
Kritikal na gumawa ng ganoong hakbang ang mga manunulat sa kanilang pagsisiyasat upang hindi madungisan ang nilalaman ng kanyang paksa.
Higit pa rito, ang pananaliksik ay dapat na nakabatay sa mga katotohanan sa halip na mga opinyon, dahil ang mga pananaw ng mga tao ay maaaring magbago pagkatapos basahin ito. Kung ang impormasyong nakuha ay hindi masyadong tiyak, ang pananaliksik ay maaaring higit pang pinuhin sa pamamagitan ng paggawa ng draft.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Sanggunian Ng Sintesis O Buod? (Kahulugan At Halimbawa)