Heto Ang Kaantasan Ng Wika At Mga Kahulugan At Halimbawa Nito
ANTAS NG WIKA – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang kaantasan ng wika at ang mga halimbawa nito.
Ang ating wika ay may iba’t-ibang lebel na kailangan nating tatalakayin. Bago paman naging kung ano ang wika ngayon, maraming antas itong pinag-daanan.
Sa ngayon, ang ating wika ang pinakamahalagang pondasyon ng komunikasyon. Mula sa pagsasalita hanggang sa pagsusulat, ang wika natin ay nag dulot ng pagkakaisa, kaunlaran, at pakikisalamuha.
Heto ang iba’t-ibang halimbawa ng kaantasan ng wika:
Impormal na wika – Ang impormal na wika ay gumagamit ng mga salitang kadalasan nating maririnig araw-araw. Ito’y maririnig kapag nakukwentuhan ang mga magkaibigan, pamilya at iba pa.
Ngunit, hindi ito inaabiso na gamitin sa mga pormal na kaganapan katulad ng pag-aplay sa trabaho, speech, at iba pa.
Lalawiganin – Kadalasan, ang wika natin ay nakadepende sa kung saan ang ating lugar. Kaya naman, sa Pilipinas na maraming isla, ang bawat probinsya o rehiyon ay may sariling wika o lenggwahe na ginagamit.
Balbal at Kolokyal – Ang salitang balbal ay maaari nating ilagay sa mga halimbawa ng impormal na wika. Ito ay tinatwag na “Street slang” sa Ingles.
Ang mga salita sa antas ng wikang ito ay na iimbento lamang ng mga tao sa isang lugar at ginagamit ng isang grupo.
Pormal na wika – Ang pormal na wika ay isa sa pinakamataas na antas ng wika. Ito’y ginagamit sa mga opisyal na dokumento, kaganapan, at iba pa.
Pambansang Wika/Lingua Franca – Bawat bansa sa mundo ay may sariling wikang pambansa. Sa Pilipinas, ang wikang pambansa ay Filipino.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
READ ALSO: Kailan Masasabing May Nabubuong Panibagong Wika? (Sagot)