Heto Ang Mga Halimbawa Kung Paano Natin Masasabi Na Buhay Ang Wika
PAANO MASASABI NA BUHAY ANG WIKA – Ang wika ay masasabi nating buhay kapag ito’y patuloy na ginagamit sa pang araw-araw na buhay.
Alam nating lahat na ang wika ay ang pondasyon ng komunikasyon. Pero, paano natin malalaman kung buhay pa ang wika o hindi?
Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung paano malalaman kung buhay pa ang wika. Bukod dito, tatalakayin natin ang kahalagahan ng wika para sa isang bansa, kultura, at tradisyon.
Ating tandaan na ang wika ay hindi lamang tungkol sa mga alpabeto, mga karakter, at mga nakasulat na panitikan. Ito ay isang bagay na lubusang kasama sa estilo ng pamumuhay ng mga tao sa isang lugar.
Kaya naman, ang wika ay isang bagay na nagbibigay kasarinlan sa kultura at tradisyon ng isang lugar. Heto ang mga halimbawa kung paano natin mapapanatiling buhay ang wika:
Ayon kay Jean Aitcheson, ang mga wika ay hindi mabubuhay kapag ito ay pinapatay o kaya’y nagpakamatay. Ang mga taga salita ng wika na ito ay maaaring hindi pinayagang magsalita gamit ang wika nila o kaya’y ang tagasalita ay nag desisyon na hindi na gumamit ng wika nila.
Dahil dito, masasabi natin na isang sa mga paraan kung paano nating malalaman na buhay ang wika ay kung ang mga taong nagsasalita nito ay malaya.
Kapag malaya ang isang indibidwal, walang makakapigil sa kanya na magsalit ng sariling wika. Nang dahil dito, maipapasa niya ito sa kaniyang mga anak at ang mga anak naman ang papasa nito sa susunod na henerasyon.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Kailan Masasabing Kontemporaryong Isyu Ang Isang Pangyayari? (Sagot)