Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Kaugnayan Ng Turismo Sa Advertisment?”
TURISMO AT ADVERTISMENT – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang halimbawa ng kaugnayan ng turismo sa advertisement.
Maraming kaugnayan ang makikita natin sa pagitan ng turismo at advertisement. Masasabi rin natin na ang dalawang ito ay palaging magkakasama.
Ang turismo ay isa sa mga industriya ng isang bansa na malaki ang naitutulong sa ekonomiya. Dahil sa turismo, dumadagsa ang mga dayuhan sa isang bansa at nabibigyan rin ng trabaho ang mga lokal na residente.
Pero, hindi ito magiging mabisa kung wala ang tinatawag na “advertisement”. Ang mga advertisement ay nagsisilbing tulay para maiparating ang mga magagandang tanawin, gawain, pagkain, at iba pang impormasyon tungkol sa isang lugar.
Dahil dito, masasabi natin na labis na nakakatulong ang advertisement sa turismo dahil ito ang nagiging paraan para mas lalong makilala ang isang destinasyon.
Ating tandaan na ang bansang Pilipinas ay mayroong kasaganahan ng magagandang likas na yaman na dapat ay maipagmalaki at ingatan. Isa sa mga paraan upang magawa ito ay gamit ng mga advertisement na nagpapakita ng mga posibleng gawin at hindi dapat gawin ng mga dayuhan.
Gayunpaman, ang advertisement ay may malaking kaugnayan sa turismo dahil ito ay nagiging daan upang maipagmalaki natin ang ating bansa.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Palaisipan Na Hindi Bugtong – Halimbawa At Sagot Ng Mga Ito