Ano Ang Ordinansa? – Kahulugan At Halimbawa Nito

Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Ordinansa?”

ORDINANSA – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang isang ordinansa at ang mga halimbawa nito na ating makikita.

Ang isang ordinansa ay isang batas na galing sa pamahalaan, partikular sa mga lokal na gobyerno. Dito sa Pilipinas, makikita natin ang mga ordinansa na ipinapatupad sa mga barangay at mga lungsod.

Ano Ang Ordinansa? – Kahulugan At Halimbawa Nito

Kung ating titignan, ang isang ordinansa ay maituturi bilang isang pangalan dahil ito’y tumutukoy sa isang piraso ng batas. Bukod dito, ito rin ay masasabi na abstaratong uri ng pangalan dahil hindi ito mahahawakan ngunit ito’y mararamdaman.

Ang mga batas na ipinapatupad ay dapat sundin ng mga taong nabibilang sa komunidad o lipunan. Ito ay ginawa para sa kapakanan ng pangkalahatan at dapat bigyang halaga.

Ngunit, may mga pagkakataon na ang mga batas katulad ng isang ordinansa ay ginagamit para sa mga pansariling interes ng mga taong nakaupo sa mataas na puwesto.

Ang isang simple o ordinaryong ordenansa, taliwas sa isang charter ordinance, ay ginagamit upang maisagawa ang karamihan sa mga lokal na aksyon ng pambatasan. Karagdagan, ang mga batas ng estado kung minsan ay nangangailangan ng paggamit ng mga kapangyarihan ng lungsod o nayon sa pamamagitan ng pagsasabatas ng mga ordenansa.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Pag Usbong Ng Rebolusyong Industriyal – Ano Ang Dahilan Nito? (Sagot)

Leave a Comment