Ano Ang Mga Halimbawa Ng Teoryang Pampanitikan Sa El Filibusterismo?
TEORYANG PAMPANITIKAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga teoryang pampanitikan na ating makikita sa nobelang El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal.
Ang El Filibusterismo ay isa sa pinaka tanyag na gawang sining sa Pilipinas. Ito ay ang pangalawang libro na sumusunod sa Noli Me Tangere. Makikita natin dito ang paglilipat ng naratibo sa mga mata ni Crisostomo Ibarra, na nagtatago sa pangalang “Simoun”.
Pero, bukod sa pagpapakita nito ng paglaban ng mga Pilipino sa karahasan ng mga Espanyol, atin ring makikita ang mga teoryang pampanitikan. Heto ang mga halimbawa:
Realismo – Ang mga karanasan ng mga Pilipino sa ilalim ng Espanya ay makikita pa rin sa totoong buhay, tulad ng diskriminasyon at pagpapahirap sa mga Espanyol sa Pilipinas.
Humanismo – Ang teoryang ito ay nakasentro sa mga tao, at makikita sa kwentong binibigyang pansin ng nobela ang mga Pilipino, kung ano ang kanilang karanasan at ginagawa, habang hindi gaanong binibigyang pansin ang mga Kastila at kung ano ang kanilang ginagawa.
Historikal – Maaari itong maituring na makasaysayang sapagkat ang mga pangyayari sa nobela ay maikukumpara sa mga pangyayari sa Pilipinas noong sinaunang panahon, tulad ng ginawa ng mga Espanyol sa Pilipinas, at isa pang halimbawa ang tangkang rebolusyon ni Simoun.
Romantisismo – Si Simoun, na kilala rin bilang Crisostomo Ibarra, ay nagpapakita ng kanyang pagmamahal sa kanyang bansa at sa kanyang minamahal na si Maria Clara.
Sosyolohikal – Dahil ang may-akda ay nag-aalala sa mundo dahil ito ay pinangungunahan ng mga tauhan, konteksto, at mga nakakaimpluwensya nito.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Ano Ang Sigalot? – Kahulugan At Halimbawa Ng Mga Ito