Ano Ang Kagitingan? – Kahulugan At Halimbawa Nito

Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Kagitingan?”

KAGITINGAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kagitingan at ang mga halimbawa nito na ating makikita.

Ang kagitingan ay masasabi natin na isang mahalagang katangian ng isang tao. Ito’d dahil ang kagitingan ay tumutukoy sa abilidad ng indibidwal na sumasalamin sa tapang upang mapagtagumpayan ang isang bagay.

Ano Ang Kagitingan? – Kahulugan At Halimbawa Nito

Maihahantulad natin ang salitang ito sa katapangan o kaya’y kabayanihan. Heto ang mga halimbawa ng paggamit nito sa pangugnusap:

  • Ang mga sundalo ay nagpakita ng kagitingan noong sinakop tayo ng mga Kastila at Amerikano.
  • Si Andres Bonifacio ay nagpakita ng kagitingan noong panahon ng Rebolusyonaryo.
  • Ang kuya ko ay nagpamalas na naman ng kagitingan.

Kapag ang isang tao ay nagpapakita ng lakas na unahin ang kapakanan ng iba kesa sarili, ito ay matatawag nating bilang kagitingan. Hindi ito nangangailangan na dapat i sakripisyo ang buhay dahil kahit ang pagsakripisyo ng isang bagay na mahalaga sa atin at halimbawa rin nito.

Ilan lamang sa mga modernong halimbawa ay ang mga OFW na nagsasakripisyo sa ibang bansa para kanilang mga pamilya ay may katangian ng kagitingan. Bukod dito, ang mga health workers at frontliners sa pandemya ay mayroon ring kagitingan.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Praktikal Na Tanong – Halimbawa At Kahulugan Nito

Leave a Comment