Ano Ang Mga Paraan Ng Pagpapahayag? (Sagot)
PAGPAPAHAYAG – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang iba’t-ibang mga paraan ng pagpapahayag at ang kahulugan nito.
Ang pagpapahayag ay isang mahalagang aspeto ng komunikasyon. Ito ay ang pagbibigay natin ng impormasyon sa iba tungkol sa ating mga damdamin, opinyon, at iba pang naiisip at nararamdaman.
Kaya naman, maraming paraan para magawa ito. Mayroong apat na pangunahing paraan ng pagpapahayag. Ito ang mga sumusunod:
- Paglalarawan – ito ang pagpapahayag na gumagamit ng pagbibigay pang-uri at katangian. Naglalayong bumuo ng isang malinaw na lalarawan sa isipan ng mga mambabasa o nakikinig
- Pagsasalaysay – ito ay pagpapahayag na gumagamit ng kuwento at ang mga pangyayaring naganap na magkaugnay. Nagsasaad ng isang pangyayari, karanasan, o talambuhay ng mga kawili-wili na karanasan pasulat man o pasalita
- Paglalahad – ito ay pagbibigay ng kuwento para mabigyang linaw ang isang konsepto, ideya, o tema ng isang paksa. Naglalayo itong bigyan ng kalinawan ang isang bagay o paksa upang lubos na maunawaan ng mga mambabasa o nakikinig.
- Pangangatwiran – ito ay ang pagbibigay ng katwiran at sapat na katibayan at may hangad na makatotohanan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Batayan Ng Pagrarango – Halimbawa At Kahulugan Nito