Mensahe Ng Ang Alaga – Gintong Aral At Iba Pang Kaalaman

Ano Ang Mensahe Ng “Ang Alaga” At Mga Gintong Aral Nito

ANG ALAGA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang Mensahe ng kuwentong “Ang Alaga” at ang mga aral nito.

An kwento ng “Ang Alaga” ay hindi natin dapat bigyan ng labis na pagmamahal ang ating mga alaga. Bukod dito, ating tandaan na kung isinasakripisyo natin ang ating sarili para sa ating mga alaga, hindi ito makabubuti. Isa sa mensahe ng kwento ay ang pagtanggap din ng mga sitwasyong hindi natin inaasahan.

Mensahe Ng Ang Alaga – Gintong Aral At Iba Pang Kaalaman

Ang kasiyahan ay biglang naging kalungkutan sa pagreretiro ni Kibuka ng isang araw. Sa araw na iyon, dumalaw ang kanyang apo at ibinigay sa kanya ang isang biik.

Sa kwentong ito pinakita na lubusang minahal ni Kibuka ang kanyang alagang baboy. Maraming bagay ang isinantabi nito at isinakripisyo para sa mga ito. Isa na rito ang kanyang sarili.

Minsan, sinisinghot niya na lamang ang kanyang pagkain para lamang ipakain sa kanyang alagang biik maliban pa ito sa pinapakain nyang matoke. Hinahayahan rin nitong matulog sa kanyang paanan ang kanyang alagang baboy na siyang dahilan ng kanyang pagkapuyat dahil sa malakas na paghilik nito.

Nagkaroon din ng mga kalyo ang mga paa ni Kibuka at nahihirapan siyang  maglakad sa tuwing ipapasyal niya ang kanyang alagang baboy. Ngunit sabi nga nila lahat ng sobra ay masama lalo na kung may masamang epekto na ito sa iyong sarili.

Ito, ang gintong aral na dapat nating pagbigyang pansin. Dapat huwag maging labis ang pagmamahal ni Kibuka sa kanyang alaga. Dapat nating bigyan ng pagmamahal ang ating mga alaga.

Pero, kapag sarili na natin ay hindi maaalagaan, hindi na ito nakabubuti para sa ating mental at pisikal na kalusugan.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Ang Mga Dalit Kay Maria – Ano Ang Mga Dalit Kay Maria? (Sagot)

Leave a Comment