Bakit Second Class Professionals Ang Tawag Ng Iba Sa Mga Pilipino?

Bakit Second Class Professionals Ang Tawag Sa Mga Trabahodor Na Pinoy? (Sagot)

TRABAHADOR NA PILIPINO – Sa paksang ito, ating aalamin kung bakit mga second class professionals ang tawag ng ibang bansa sa mga Pilipino.

Hindi mga “Second class professionals” ang mga Pilipino. Sa katunayan, ang mga Pinoy ay isa sa pinakamasipag at matalinong trabahador na ating makikita.

Bakit Second Class Professionals Ang Tawag Ng Iba Sa Mga Pilipino?

Pero, para sa ibang mga bansa, mga second hand professionals lamang ang ating mga kababayan. Ito’y dahil sa iba’t-ibang mga dahilan katulad ng:

Kakulangan ng Edukasyon – Bago paman ipinatupad ang K-12 program, ang sistema ng “basic education” sa bansa ay kulang kung i-kukumpara sa ibang mga bansa. Sa Pilipinas matatagpuan ang isa sa pinakamaikling basic education sa buong mundo.

Diskriminasyon – Maraming mga bansa ang mababa ang tingin sa mga Pilipino. Para sa kanila, ang mga Pilipino ay hindi makaka-angat sa kanilang lebel kaya naman, hindi na bibigyan ng sapat na oportunidad ang karamihan sa mga mangagawa.

Esteriotipo – Ang mga Pilipino ay kadalasang napupunta sa isang esteriotipo na hindi mabuti para sa karamihan ng mga mangagawa. Para sa iba, nakikita lamang nila ang mga Pinoy na mga domestic worker o katulong lamang.

Subalit, walang masama sa pagkuha ng trabahong ganito kasi maraming mga Pinoy ang kumakayod para mabigyan ng mabuting kinabukasan ang kanilang pamilya. Dahil dito, sila’y nagtatrabaho ng mabuti.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Bakit Mahalagang Mahalin Ang Kapwa? – Halimbawa At Kahulugan Nito

Leave a Comment