Paano Ginagamit Ang Modal Sa Mga Pangungusap? (Sagot)

Paano Ginagamit Ang Modal? (Sagot At Halimbawa Nito)

MODAL – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung paano nga ba ginagamit ang modal sa mga pangungusap at ang mga halimbawa nito.

Ang “Modal” ay mayroong dalawang gamit. Ito rin ay tinatawag na “salitang malapandiwa”. Ito’y dahil nagpapahayag ang mga modal ng isang kagustuhan, kakayahan, pahintulod, posibilidad, o obligasyon. Subalit, hindi ito nag-iibang anyo dahil sa kawalan ng aspekto.

Paano Ginagamit Ang Modal Sa Mga Pangungusap? (Sagot)

Heto ang halimbawa ng gamit nito:

Malapandiwa – ang modal ay ginagamit bilang salitang kasingkahulugan o kahawig ng pandiwa sa mga pangungusap na walang totoong pandiwa.

  • Gusto ni Peter ang laruan ni Eva.
  • Hangad ko ang iyong pagmamahal.
  • Kailangan ni Hector ang pagkain araw-araw.

Bilang Panuring – ang modal ay ginagamit na pantulong sa pandiwa na may anyong pawatas.

  • Nais niyang bumigay ng pagkain sa nangangailangan.
  • Gusto kong makiusap sa kanya.
  • Dapat namakaalis na ako sa lalong madaling panahon.

Ang mga modal ay mahalagang matutunan para ating lubusang maintindihan ang ilang mga pangungusap. Kapag wala ito, hindi natin madaling mabibigyan kahulugan ang mga sinasabi ng iba at maaaring magdulot ng hindi pagkakaunawaan.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Bakit Tumitilaok Ang Manok Sa Madaling Araw? (Sagot)

Leave a Comment