Ano Ang Kaugnayan Ng Kalayaan At Pananagutan? (Sagot)
KALAYAAN AT PANANAGUTAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kaugnayan ng kalayaan at pananagutan at mga halimbawa nito.
Ang kalayaan ang isa sa pinakamahalagang karapatan ng bawat tao sa mundo. Ngunit, ang kalayaang ito ay dapat rin nirerespeto, hindi lamang ang pansariling kalayaan kundi pati na rin ang kalayaan ng iba.

Dahil dito, kailangan natin ng pananagutan para sa mga aksyon na dulot ng ating kalayaan. Halimbawa, may kalayaan tayong saktan at gamitin ang ibang tao para tayo’y umasenso sa buhay.
Kaya naman, dapat tayong mananagutan sa ating ginagawa. Kasi kapag malaya ang lahat ng tao na gawin ang gusto nila na walang pananagutan, masisira agad ang mga pondasyon ng lipunan.
Maraming bagay ang maaari nating gawin kung tayo ay malaya subalit lahat ng ito ay may kaakibat na panangutan na dapat nating bigyang pansin. Bukod dito, hindi lamang dahil gusto mong gawin ang isang bagay ay tama na itong gawin.
Ang pananagutan ay nagsisilbing paalala na may limitasyon ang kalayaan natin. Sa katunayan, ang kalayaan natin ay dapat may kasamang responsibilidad. Ang pagiging responsable sa ating kalayaan ay ang pagkakaroon ng kaalaman na ang kalayaan natin ay mayroong pananagutan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Bakit Mahalaga Ang Pormat Sa Pagsusulat – Halimbawa At Kahulugan