Bakit Mahalaga Ang Pormat Sa Pagsusulat – Halimbawa At Kahulugan

Sagot Sa Tanong Na “Bakit Mahalaga Ang Pormat?”

PORMAT – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung bakit nga ba mahalaga ang isang pormat sa pagsusulat.

Sa mundo ng panitikan, libre lamang ang mga taong ilahad ang kanilang emosyon sa paraang gusto nila. Ito ang isa sa pinakamagandang plataporma upang gawin ito.

Bakit Mahalaga Ang Pormat Sa Pagsusulat – Halimbawa At Kahulugan

Subalit, para mas magiging kaakit-akit ito sa mga mambabasa o sa madla, mabuti kung bibigyan ito ng pormat o isang palatuntunan kung paano gagawin ang mga gawaing pampanitikan katulad ng pagsusulat.

Pero, ating tandaan na hindi ito ganap na mga batas na dapat sundin kundi pawang mga patnubay lamang. Heto ang mga halimbawa:

Pormat sa pagsulat ng mga tula – Maraming paraan ng pagsulat ng tula katulad ng haiku na isang maliit na tula at tanka. Sa pagbibigay ng pormat, ating nilalagay sa isang systema ang mga tula natin na mas nagiging kaakit-akit sa mambabasa.

Makikita dito ang pormat sa sukat, tugma, at taludturan. Sa haiku, mayroong pormat na 5/7/5 ang mga saknong ng isang taludtod.

Pagkasunodsunod ng kaganapan – Kapag ika’y sumusulat ng mga kwento, dapat tandaan ang tinatawag na “build up”. Sa simula, dahan-dahan nating ipakikilala ang mga tauhan. Pagkatapos, ilalahad dito ang kanilang mga hangarin at gustong makamit.

Pero, sa kalagitnaan, ipapakita na ang kanilang mga problema na kailangang harapin sa kasukdulan. Panghuli, makikita na ang katapusan kung saan na iresolba na ang mga problema at dahan-dahang nagiging kalmado ang tema ng sulatin.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Ano Ang Taludturan? Kahulugan At Halimbawa Nito

Leave a Comment