Halimbawa Ng Batayang Salik Sa Kabihasnan
BATAYANG SALIK – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan at ang mga halimbawa nito.
Para magkaroon ng isang kabihasnan kailangang maipatupad ang mga sumusunod:
- pinuno at batas
- aktibong kalakalan
- sistema ng pagsulat
- mataas na antas ng agham at teknolohiya
Ang mga taong namumuno ang silang nagiging pangunahing batayan ng kabihasnan. Ito’y dahil ang pag-uunlad at pag gawa ng maayos na balangkas ng lipunan at pamahalaan ay kaakibat ng pag-angat ng isang kabihasnan.
Samantala, sa pamamagitan ng kalakalan, ating makukuha ang mga produkto at serbisyo na ibinibigay ng mga residente ay isa rin sa mga batayan ng pag-unlad. Bukod dito, ang mga produktong ito ang ang nagiging sustento ng pangunahing pangangailangan ng mga residente ng isang lipunan.
Samantala, ang sistema ng pagsulat ay nagiging batayan na rin ng epektibong komunikasyon. Alam naman nating lahat ng ang komunikasyon ay isa sa mga pangunahing pondasyon ng pag-unlad.
Ang mataas na antas ng agham at teknolohiya ang nagbigay ng oportunidad sa pagkatuto ng mas marami pang kaalaman. Dahil sa teknolohiya at agham, mas lalong umuunlad ang mga kabihasnan sa mas madaling panahon.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Halaga Sa Lipunan Ng Bourgeoisie Halimbawa At Kahulugan