Ano Nga Ba Ang Etimolohiya? (Sagot)
ETIMOLOHIYA – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang etimolohiya at ang mga halimbawa nito na ating makikita.
Ang etimolohiya ay galing sa salitang Griyego na “Etumologia”. Ang kahuluagn ng salitang ito ay “may kahulugan”. Bukod dito, ang etimolohiya ay isang pag-aaral na ang layunin ay malaman ang kasaysayan ng isang salita.
Dito natin makikita kung saan at paano nagsimula ang isang salita. Malalaman rin natin gamit ang etimolohiya kung paano nagbago at nag-iba ng anyo ang etimolohiya sa paglipas ng panahon.
Dito ay naliliwanagan at nabibigyan ng kahulugan ang bawat salita. Kaya kung may nais kang malaman tungkol sa isang salita ay kailangan mong hanapin ang etimolohiya nito.
Halimbawa:
- Silya – nagmula ito sa salitang Kastila na “silla”
- Kosmolohiya – nagmula ito sa salitang Ingles na “cosmology”, na hinango naman sa salitang Griyego na “kosmos” (universe) at “logia” (study).
- Ang flower (bulaklak) ay mula sa wikang Latin
- Latin – flor/flos
- Old French – flor/flour
- Middle English – flour
- Modern English – flower
- Salamangkero – galing sa Espanyol na “salamanca”. Ito’y naglalarawan sa isang lugar sa Espanya na kadalasan ay kuweba sa mga burol, kung saan laganap ang pagtuturo ng mahika o salamangka.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Kabataan Noon At Kabataan Ngayon – Paghahambing