Ano Ang Kaugnayan Ng Pag-Ibig Sa Lipunan? (Sagot)
PAG-IBIG SA LIPUNAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang kaugnayan ng pag-ibig sa ating lipunan.
Alam naman natin na ang pinakamahalagang parte ng isang lipunan ay ang mga taong bumubuo dito. Pero, dapat din nating malaman na ang mga tao ay nagbibigay ng malaking halaga sa pag-ibig at sa pagmamahalan.
Dahil dito, masasabi natin na isa rin sa mga mahahalagang pondasyon ng isang lipunan ang pagmamahal. Maraming mga halimbawa tayong makikita tungkol dito. Galing sa mga kwentong bayan, alamat, at mito, makikita natin kung paano nagkaisa ang mga tao at gumawa ng isang komunidad dahil lamang sa pag-ibig.
Bukod dito, alam rin natin na ang pamilya ay ang pinakamahalagang parte ng ating lipunan. Hindi rin mabubuo ang isang mapayapa at masayahing pamilya kapag walang ang pag-ibig.
Hindi lamang ito makikita sa pagmamahal sa tao. Ang pagmamahal sa mismong komunidad, kultura at tradisyon ay isa ring mahalagang aspeto ng isang lipunan. Makikita naman ito sa pag tangkilig at pagbigay halaga sa mga kultura at tradisyon sa isang lugar.
Ang mga halimbawa nito ay ang paggawa ng mga fiesta o celebrasyon para itanghal ang kultura o kasaysayan ng isang komunidad at lipunan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
READ ALSO: Salita Na Mabubuo Sa BAHAGHARI – 10 Salitang Mabubuo Sa Bahaghari
Isa pA