Ano Ang Kahulugan Ng Kasabihang “Bukal Sa Kanyang Loob”? (Sagot)
BUKAL SA LOOB – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng kasabihang “Bukal Sa Kanyang Loob” at ang mga halimbaw ang paggamit nito.
Ang mga kasabihan ay parte ng ating mga karunungang bayan. Ito ay mga aral na naipasa sa atin ng ating mga ninuno na galing din sa kanilang mga karanasan. Dahil dito, kahit matagal na ang mga kasabihan, sumasalamin pa din ito sa kasalukuyang panahon.
Ang bukal sa loob ay isang halimbawa ng sawikain o idyoma. Ang kahulugan nito ay ang taos pusong paggawa ng isang bagay na hindi labag sa iyong kalooban. Heto ang mga halimbawa ng paggamit nito sa pangungusap:
- Bukal sa loob ang ginawa ni Peter na pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo.
- Ang pag-amin niya sa krimen na kanyang nagawa ay bukal sa kanyang kalooban dahil ginawa niya raw lamang ito para ma depensahan ang kanyang sarili.
- Bukal sa loob ang pag uubaya niya sa kanyang pinsan na siya muna ang unang mag aaral sa kolehiyo dahil sa kahirapan nilang humanap ng pera.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Di Lahat Ng Mabuti Ay Tama At Di Lahat Ng Tama Ay Mabuti Kahulugan