Sagot Sa Tanong Na “Paano Makakamit Ang Kaunlaran Na Hindi Nasisira Ang Kalikasan?
KAUNLARAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung paano natin makakamit ang kaunlaran na hindi nasisira ang kalikasan.
Mahirap nating makamit ang kaunlaran na hindi nasisira ang kalikasan dahil sa iba’t-ibang mga dahilan. Subalit, hindi ibig sabihin na imposible itong mangyari.
Dahil sa kasakiman ng mga tao, kadalasang lubusang naaapektuhan ang ating kalikasan sa pangalan ng kaunlaran. Isang halimbawa nito ay ang pagputol ng mga puno para gawing bagong daan o subdivision.
Ang pagmimina na siyang nakakakuha ng maraming pera sa mga mayayaman ay nakakasira rin sa ating kalikasan. Dahil dito, umunlad ang mga mayayaman na, pero ang mga mahihirap ay mas lalo nang naghihirap dahil dito.
Kaya naman, isa sa mga paraan upang makamit natin ang kaunlarang ito ay sa paggamit ng tinatawag na “sustainable development”. Ito ang kaunlaran na nagbibigay ng halaga sa ating kalikasan.
Ang ating mga natural na yaman ay limitado lamang. Kaya naman, kapag patuloy natin itong gagamitin, mauubos kaagad ito at wala nang matitira. Dito pumapasok ang sustainable development.
Ito ang paraan ng kaunlaran na nagbibigay ng paraan upang ang kalikasan ay uunlad din kasama ng mga tao. Heto ang mga halmbawa:
- Solar, Wind, Water Energy
- Green Space
- WASTE-TO-ENERGY RECYCLING
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Paano Nagkakaugnay Ang Isip At Kilos Loob sa Katangian Ng Pagkatao?