Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Kakayahang Gramatikal?”
KAKAYAHANG GRAMATIKAL – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kakayahang gramatikal at ang mga halimbawa nito.
Ang kakayahang gramatikal o istruktural ay isa sa mga mahahalagang aspeto ng panunulat at pananalita. Ito ay naglalarawan sa kakayahang lingguwistiko.
Bilang mga tao, ang wika ay isa sa mga pinakamahalagang instrumento na ginagamit natin para sa komunikasyon. Dahil dito, madali na lamang ang pagpapalit ng impormasyon sa iba.
Pero, kapag wala tayong kakayahang gramatikal, may mga pagkakataon na tayo’y mawawalan sa konteksto na nagdudulot ng hindi pagkaintindihan. Ito’y dahil ang gramatikal ay isang anyo ng wika sa lebel na pangungusap.
Bukod dito, ang kakayahang gramatikal o istruktural din ay nagbibigay interpretasyon o kahulugan sa mga lebel o konteksto ng mga pangungusap na ito.
Kapag hindi nating lubusan ma intindihan ito, hindi natin makukuha ang kabuuan ng impormasyong binibigay sa atin. Ito’y nagdudulot ng maling impormasyon.
Ating tandaan na ang wika ay isa sa pinakamahalagang aspeto ng isang komunidad at kultura. Pero, kapag wika lamang ang narito at walang gramatikal o instruktural na paggamit ang wika, hindi magkaka intindihan ang mga tao.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Katangian Ni Quasimodo – Ang Kuba Ng Notre Dame