Kahulugan Ng Akademiko – Ano Ang Ibig Sabihin Ng Akademiko?

Ano Nga Ba Ang Kahulugan Ng Salitang “Akademiko”?

AKADEMIKO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano ang kahulugan ng salitang akademiko at ang mga halimbawa nito.

Depende sa gamit nito sa pangungusap, maaaring magkaiba ang kahulugan ng salitang ito. Una, ang isang akademiko ay masasabi nating institusyon kung saan nabibilang ang mga iskolar.

Kahulugan Ng Akademiko – Ano Ang Ibig Sabihin Ng Akademiko?

Sakop din ng institusyong ito ang mga iskolar, artista, at siyenrista. Ang mga layunin ng mga taong ito ay ipalawak o isulong at paunlarin ang mga kaalaman at kasanayang pangkaisipan.

Sa paraang ito, mananatili ang mataas na pamantayan ng particular na larangan na institusyon ng mga iskolar. Bukod dito, maaari rin nating sabihin na ang isang akademiko ay tumutukoy sa edukasyon, pagiging iskolar, o pag-aaral na nagbibigay ng pokus sa pagbasa, pagsulat, at pag-aaral sa mga praktikal o teknikal na paksa.

Samantala, mayroon ding tinatawag na akademikong sulatin. Heto ang iba’t-ibang mga halimbawa nito:

  1. Akademikong sanaysay  
  2. Pamanahong papel  
  3. Tesis  
  4. Disertasyon  
  5. Abstrak  
  6. Aklat  
  7. Rebyu  
  8. Artikulo  
  9. Bibliograpiya  
  10. Antolohiya  
  11. Opinion  
  12. Position paper  
  13. Memoir

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Halimbawa Ng Editoryal – Kahulugan At Halimbawa Nito

Leave a Comment