Ano Ang Mga Halimbawa Ng Uri Ng Teksto?
URI NG TEKSTO – Maraming uri ng pagsusulat ang ating makikita, subalit kahit iba-iba ang mga teksto, atin pa ring dapat na matutunan ang kahulugan at halimbawa ng mga ito.
Sa paksang ito, tatalakayin natin ang kahulugan ng limang mahalagang uri ng teksto. Bukod dito, ating ring aalamin ang mga halimbawa ng mga tekstong ito.
TEKSTONG IMPORMATIBO
Ang uri ng tekstong ito ay naglalaman ng tumpak at tamang ng impormasyon tungkol sa bagay, tao, lugar, pangyayari, at iba pang mga paksa. Ito’y hindi maaaring lagyan ng opinyon kung kaya ang tono nito ay kadalasang obhetibo at pormal.
TEKSTONG DESKRIPTIBO
Ang tekstong ito ay uri ng tekstong ginagamit upang maglarawan. Ito ay nagtataglay ng mga datus na may kaugnayan sa mga katangian ng tao, bagay, lugar, at pangyayaring madalas nating nakikita sa ating kapaligiran.
Tekstong Persuweysib
Naglalayon itong manghikayat ng mga mambabasa o tagapakinig. Bukod dito, ang uri ng tekstong ito ay isa sa mahahalagang uri ng tekstong kadalasang nagagamit sa mga radyo at telebisyon, at lalo na sa sosyal medya. Ito rin ay isang mahalagang kasanayang dapat matutunan ng tao.
Tekstong Naratibo
Ito ang tawag sa isang teksto kung saan ito’y nasa anyong nagsasalaysay. Ang tekstong ito ay nagkukuwento tungkol sa tiyak at pagkakasunod-sunod ng mga kaganapan.
Tekstong Argumentatibo
Ang tekstong ito ay naglalahad ng mga paniniwala, pagkukuro, o pagbibigay ng pananaw patungkol sa mga kritikal o maselang isyu, lalo na sa mga isyung panlipunan. Naglalayon itong maghikayat sa mga mambabasa at madla sa mga argumentong inilalahad sa pamamagitan ng mga pangangatuwiran.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Bukang Liwayway Kahulugan At Halimbawa Nito Sa Pangungusap
Ano ang halimbawa