Binukot By Joel Bautista Labos | Sabayang Pagbigkas
BINUKOT – In this topic, we are going to know about one of the Sabayang Pagbigkas poems titled “Binukot”.
A Sabayang Pagbigkas (roughly translates to Simultaneous Pronounciation in English) is a type of poem which, according to Jose Abad, is a congenial method of valuing the literature by means of having the choir speak in unison according to tone, strength or power. It is known in the English language as ‘Verse Choir’.
The poem we are going to read is one of the scripts that is used by performers in Verse Choir contests.
We are now going to read the poem Binukot made by Joel Bautista Labos. The term means ‘well-kept maiden’ and is referred to as a woman who was kept hidden by her parents in their house.
Full Text
Here is the full text of the poem, according to this website:
Binukot… Binukot… Binukot…
Sino ka ba talaga?
Bakit naiiba ka?
Wala kang katulad sa mga anak ni Eba
Sa sangkatauhan taglay mo’y talinhaga.
Ahhh… umusbong ka sa puso ng kabundukang Panay
Doon ka hinubog binigyan ng buhay
Kulturang niyakap mo, nagpatingkad pa ng kulay
Katauhan mong pinasahi mahiwagang tunay.
Ikaw ay sadyang pinili sa mga bunga ng pagmamahalan
Tanging mutyang mapalad, maginhawang bukas inilaan
Pinalangga kang anak, hiyas ng tahanan
Kaya’t di pinagagawa sa bahay, buong gili na ginatipigan.
Sa loob ng isang silid buhay mo’y umiikot
Diyan ka tinatago… malayo sa matang malilikot
Di mo nakakapiling, ginintuang init ng araw
Kulay mo’y naiiba, di sunog, di kayumangging kaligatan.
Talagsahon lamang kung makikita ka Binukot, sa karamihan
Lumilitaw lamang sa pagtitipong mararangya’t maiinam
Ginapabugal ka, ipinagmamalaki ng iyong mga magulang
Dinihon ka ng epiko, sugilanon, mga sinaunang panitikan.
Binukot… sumasagisag ng rangya ng pamilya
Mga lalaking nararahuyo sa ganda mo, dapat lahat maykaya
Mga palad mo’y malambot, sakong mamula-mula, tunay na prinsesa ka
Isang katotohanan, reyna ka ng iyong mapapangasawa!
Binukot, ngayon magnilay-nilay ka!
Sa kalagayan mong ito, ikaw ba’y masaya?
Angkin mo ngayon ang daigdig, ikaw ay sinasamba
Subalit sapat na ba sa iyong ikahon ka ng kultura?
Binukot, lumabas ka sa iyong kulungan
Huwag mong hayaang mundo mo ay talian
Tumayo ka’t ipamalas, angkin mong lakas
Ikaw ay babae, may gahum ding matatawag.
Itaas mo bantayog na ginuho ng mapang-aliping tradisyon
Buuin pira-pirasong bahagi ng diwang may gal-um
Haplusin ang pisngi ng araw at pawiin ang ilusyon ng kalinangang nag-agiw,
magbigay ka ng puwang sa sariwang usbong.
Ikaw, Binukot, hindi aksesorya
Hindi ka isang anitong sinasamba
Hindi ka alagang bulag at mulala
Hindi ka isang gamit, kasangkapan,
Hindi ka palamuti, hindi isang laruan.
Isa kang tao, isa kang babae
May dugo, may laman, may isip, may buhay.
Ahhh… isa kang nilalang, Binukot!
WAKAS
READ ALSO: Huwan Pusong By Sol Doronilla Penuela | Sabayang Pagbigkas