Bakit Mahalaga Ang Mga Liham? (Sagot)
KAHALAGAHAN NG LIHAM – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung bakit nga ba mahalaga ang isang liham.
Ang pagsusulat ng liham ay isa sa pinaka-unang pamaraan ng pagbibigay ng impormasyon. Pero, sa pagdating ng at pag-angat ng makabakong teknolohiya, patuloy nang nawawala ang paggamit ng pamaraan na pagsulat na ito.
Kadalasan, ginagamit ang mga liham para magpaalam sa kasalukuyang kalagayan ng isang tao. Pero, sa mga modernong panahon katulad ngayon, ang mga liham ay ginagamit na lamang sa mga pormal na konteksto katulad sa isang malaking kompanya, negoyso, at iba pa.
Ayon sa WikiBooks, “Ang liham ay isang pahayag o mensahe sa pamamagitan ng pagsulat mula sa isang tao patungo sa isa pang tao o grupo, kadalasan sa ibang lugar“.
Pero, dahil sa teknolohiya, ang liham na dati’y makakarating pa matapos ang ilang araw ay magagawa na ngayon sa isang iglap lamang. Ngunit, atin pa ring dapat pagbigyan ng pansin at halaga ang liham. Ito’y dahil malaking parte ng ating kasaysayan at kultura ang mga liham.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Bakit Mahalaga Ang Pagsusulat? Halimbawa At Iba Pa!