Ano Ang Kahulugan Ng Matanglawin? (Sagot)
MATANGLAWIN – Ang matanglawin ay isa sa pinaka-sikat na programang pang edukasyon sa telebisyon, pero ano nga ba ang kahulugan ng matanglawin?
Ang Matanglawin ay ang pagsama-sama ng dalawang salita “mata at lawin”. Kung kukunin natin ang literal na kahulugan ng salita, sa Ingles ito ay tintatawag na Hawk-eye.
Ang salitang ito ay naglalarawan sa taong may matalas na paningin katulad lamang ng isang lawin. Ngunit, ang matanglawin ay kadalasang ginagamit upang ilarawan ang mga taong nakakakita ng mga bagay-bagay na hindi karaniwang nakikita ng karamihan.
Maaari itong maging pisikal na bagay o isang intelektwal na konteksto. Halimbawa, kapag may nawalang maliit na bagay sa bahay at bigla itong nakita sa madaling panahon, ang taong nakakita ng bagay na ito ay matanglawin.
Samantala, maaari rin nating tawagin na matanglawin ang taong may alam sa maraming bagay, lalo na sa paksang kaunti lang ang nakakaalam. Dahil dito, ang Matanglawin ay naging isa sa mga pinaka sikat na programang pang edukasyon sa Pilipinas na ipinapalabas sa ABS-CBN.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Bonifacio Day Facts You Need To Know About (Actor, Writer, Bayani)