Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Kahulugan Ng Pilibustero”?
PILIBUSTERO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng isang “pilibustero” sa nobelang “Noli Me Tangere” ni Dr. Jose Rizal.
Ang Kabanata 4 ay may titulo na “Erehe At Pilibustero” na sa bersyong Ingles ay “Heretic and Filibuster”. Ang isang pilibustero ay ang tawag sa mga taong kalaban ng simbahan at pamahalaan.
Ginamit ito ni Rizal upang mabigyan ng kahulugan ang mga rebeldeng nanghihikayat sa mga makakasapi. Sa panahon ng espanyol, ang mga may pinakamataas na pwesto ay ang mga tao sa simbahan at gobyerno. Kaya naman, nanghihikayat ang mga pilibustero na mag alsa laban sa pang-aabuso at korupsiyon ng mga ito.
Sa ika apat na kabanata ng Noli Me Tangere, ang Ama ni Crisostomo Ibarra na si Don Rafael Ibarra ay tinawag na pilibustero dahil tinulugan niya ang batang nasaktan ng isang artilyero. Atin ring mababasa sa Noli Me Tangere ang isa pang naging erehe at pilibustero at si Kabesang Tales.
Siya ang ama ni Juli sapagkat kinamkam ng mga prayle ang lupain na pinaghirapan nito ng labis at ng buong pamilya niya.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Ipaliwanag Ang Kaisipan – Kahulugan At Mga Halimbawa Nito