Elemento Ng Abstrak Halimbawa At Kahulugan Nito

Ano Ang Mga Halimbawa Ng Elemento Ng Abstrak?(Sagot)

ELEMENTO NG ABSTRAK – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang mga halimbawa ng elemento ng abstrak at ang kahulugan ng mga ito.

Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsusulat ng mga akademikong papel (academic papers).

Halimbawa ng mga ito ay ang “thesis”, scientific papers, technological lecture at mga report. Kadalasan bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat.

Elemento Ng Abstrak Halimbawa At Kahulugan Nito
  • Heto ang mga elemento na napapaloob sa isang abstrak:
  • Introduksyon
  • Mga kaugnay na literatura
  • metodolohiya
  • Resulta
  • Konklusyon

Mahalagang bahagi ng mga ulat at pananaliksik ang isang abstrak at nagbibigay ng malinaw na paglalarawan sa mga nilalaman ng pananaliksik. Ito rin ay kadalasang huling isinusulat, ngunit ito ang unang dapat makita ng mga mambabasa pagkatapos ng title page.

Ang mga bahagi nito ay ang sumusunod:

  • Kaligiran at Suliranin
    • Dito tinatalakay kung kailan, paano, at saan nagmula ang napiling suliranin na gustong talakayin.
  • Layunin
    • Sa parteng ito, ipinapakita ang pagsasagawa ng pag-aaral at kung paano nakakatulog ang pag-aaral sa paglutas ng problema.
  • Pokus
    • Dito naman ibinabahagi ang paksang kailangan bigyang diin.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: Kasabihan Tungkol Sa COVID-19 Halimbawa At Iba Pa!

Leave a Comment