Suriin At Kilalanin Ang Sumusunod Na Karunungang Bayan
KARUNUNGANG BAYAN – Sa paksang itong, ating suriin at kilalanin ang mga sumusunod na karunungang bayan at bigyan natin ng pansin ang mga pahayag. Ano-ano kaya ang mga ito?
Ang karunungang bayan ay naglalaman ng iba’t-ibang uri ng mga kwento, bugtong, at iba pang gawang panitikan na ipinasa ng ating mga ninuno. Bukod rito, ang mga karunungang-bayan ay mahalagang parte rin ng ating kultura at kasaysayan.
Heto na ang sagot sa Suriin Natin:
- Isang Butil Ng Palay, Sakot ang Buong Bahay
- Ang Karunungang-bayan na ito ay isang “bugtong”. Samantala, ang sagot naman sa bugtong na ito ay “bumbilya”. Ito’y dahil kahit maliit lamang ang isang bumbilya katulad ng butil ng balay, nasasakop nito ang buong bahay gamit ang kanyang ilaw.
- Kung may tiyaga, may nilaga
- Heto naman ay isang uri ng kasabihan. Simple lamang ang ipinapahiwatig ng kasabihang ito. Tayo’y dapat na mag tiyaga upang may maaabot natin ang magandang buhay.
- Ang mabuting pag-uugali, masaganang buhay ang sukli
- Ito rin ay maaaring tawagin na kasabihan. Ang karunungang-bayan na ito ay nagbibigay sa atin ng payo na dapat tayo ay magkaroon ng mabuting ugali. Ito’y dahil ang pagiging mabait sa kapwa ay palaging nasusuklian sa huli.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Kasabihan Tungkol Sa Tiwala Halimbawa At Kahulugan