Ano Ang Mga Paraan Ng Pagkamit Ng Kabutihang Panlahat? (Sagot)
KABUTIHANG PANLAHAT – sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano ang mga paraan ng pagkamit ng kabutihang panlahat at mga halimbawa nito.
Bilang isang estudyante o miyembro ng isang komunidad, kailangan nating gumawa ng paraan upang makamit ang kabutihang panlahat. Pero, paano ito gagawin?
Mayroong tatlong elemento ang kabutihang panlahat, ito ay:
- Paggalang sa Pagkatao ng Bawat Isa
- Kagalingang panlipunan
- Pagpapanatili ng kapayapaan at kaligtasan
Bilang estudyante, madaling gumalang sa pagkatao ng bawat isa. Dahil lamang iba ang pananaw ng ibang tao sa iyo, hindi ibig sabihin na sila’y hindi dapat irespeto. Maraming mga pagkakagulo sa ating lipunan dahil lamang dito. Kaya naman, dapat tayong matutong magrespeto sa lahat.
Ang kagalingang panlipunan naman ay ang mga tungkulin ng mga nasa pwesto na bigyan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan. Ang mga halimbawa nito ay pagbibigay ng mabuting:
- trabaho ang bawat mamamayan;
- edukasyon;
- pagkain;
- mapanatili ang kanilang magandang kalusugan.
Samantala, ang pagpapanatili ng kapayapaan naman ay tungkulin naman ng mga taong nasa serbisyo sila ang mga maykapangyarihan na ipatupad ang mga batas para masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Tula Tungkol Sa Mamamayan – Tula Para Sa Mamamayang Pilipino