Ano Ang Kahalagahan Ng Ekonomiks? (Sagot)
KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS – Sa artikulong ito, ating tatalakayin kung bakit nga ba mahalaga ang ekonomics sa buhay natin.
Ang ekonomiks ay nagmula sa salitang Griyego na “oikonomos” na kung sa Ingles ay nangangahulugan na “household”. Sa payak na pagkakahulugan, ito ay tumutukoy sa pamamahala ng tahanan. Sa malaking sakop, ito’y tumutukoy sa pamamaraan ng pamamahala ng buong bansa.
Mahalaga ang ekonomiks dahil ito ang nagbibigay kasagutan sa mga katanungang ating iniisip. Sa pag aayos at pagpaplano ng gawain sa ating tahanan ay gumaganap ng malaking parte ang ekonomiks tulad na lamang sa aspeto ng pagtipid o pag-budget ng pera para matustusan ang mga pangangailangan ng pamilya at makapagtabi nang sapat para sa mga hindi inaasahang pangyayari.
Kung ang buong bansa naman ang pinag uusapan, ang ekonomiks ang nagpapaalam sa atin ng tunay na estado ng ating bansa base sa iba’t ibang solusyon o modelo na nadiskubre ng ilang ekonomista.
Dahil sa ekonomiks ay ating nalalaman kung paano susolusyunan ang kung ano mang trahedya hindi mabuting dinadanas ng ating ekonomiya. Ang estado ng ating ekonomiya ay siya ring nagsasalamin ng sasapitin ng mga mamamayan sa kani-kanilang pamumuhay.
Ang ekonomiks ang nagsisilbing gabay sa atin sa pang araw-araw upang ating malaman kung anong susunod na yapak ang ating gagawin.
Tila parang isang asignatura lamang sa paaralan ang ekonomiks ngunit ang hindi alam ng nakararami ay malaking porsyento ng kanilang ginagawa araw-araw ang may kaugnayan rito. Ang pagpapahalaga sa ekonomiks ay katumbas na rin na nagpapahalaga tayo sa ating pamumuhay at sa kabutihan ng buong bansa.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Ekonomiks – Kahulugang Heneral At Ayon Sa Mga Kilalang Tao