Ano Ang Kahulugan Ng “Kapit Sa Patalim” (Sagot)
KAPIT SA PATALIM KAHULUGAN – Ang kasabihang ito ay madalas naririnig sa mga lugar na malubha ang kahirapan.
Ang kahulugan nito ay ang pagiging gipit o ang pagdaranas ng sobrang kahirapan. Ang buong kasabihan ay “Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit”. Ito ang nakalulungkot na reyaledad, labi na sa mga taong mahihirap.
Dahil sa kahirapan, ang mga tao ay kumakapit na lamang sa patalim, o sinasakripisyo ang sarili upang mabuhay lamang. Kadalasan, ang mga taong kapit sa patalim ay pumapasok sa mga gawaing krimen para lamang ma tustusan ang pang araw-araw na pangagailangan.
Ang nakakalungkot dito ay maraming mga tao sa buhay na kapit patalim ay walang pagpipiliang iba. Ito lamang ang nakikita nilang paraan ubang mabuhay. Dulot rin ito ng hindi magandang edukasyon at sistemang puno ng kurapsyon.
Kung ikaw man ay makakaranas ng mga kagipitan sa buhay, puwede kang kumapit sa patalim. Pero, puwede mo rin tatagan lang ang loob at manalig sa Diyos at hindi ka niya di ka niya pababayaan.
Thanks for reading. We aim to provide our readers with the freshest and most in-demand content. Come back next time for the latest news here on Philnews.
Basahin rin: Bakit Mahalaga Ang Bugtong? – Paliwanag At Halimbawa