Ano Ang Mahalagang Papel Ng Media At Internet? (Sagot)
MAHALAGANG PAPEL NG MEDIA – Sa panahon ng pandemya, ang media ay internet ay dalawa sa pinakamahalagang instrumento ng impormasyon.
Ang media ang nagbibigay sa atin ng balita tungkol sa mga kaganapan sa ating lipunan. Bukod rito, ang media rin ay nagbibigay ng mga kaganapan tungkol sa sakit na COVID-19.

Pinapalawak rin ntio ang ating kaalaman sa araw-araw. Isa rin sa mga mahalangang papel nito ay ang kakayahan nitong mulatin ang mga mata sa totoong kaganapan sa lipunan natin gamit ang sariwang balita.
Samantala, ang internet naman ay isang malaking pinagmumulang ng impormasyon. Kahit anong gusto mong malaman ay makikita sa internet. Kailangan mo lamang alamin kung ano ang gusto mong malaman.
Ngunit, hindi katulad ng media na may mga kapani-paniwalang mga pinagmulan ng balita at impormasyon, ang internet ay tahanan rin ng mga pekeng balita. Araw-araw milyun-milyong pekeng balita ang kumakalat sa internet.
Delikado ito dahil sa panahon ng pandemya, kailangang malaman ng tao ang totoong impormasyon ukol sa sakit na COVID-19. Kaya naman, dapat mong uusiin ang pinag-mulan ng balita.
Buti naman, ang tradisyonal na media ay unti-unti nang sumasalin sa internet para ibigay ang tama at konkretong balita para sa karamihan ng tao.
BASAHIN RIN: Pangunahing Halaga Ng Wika At Kaugnayan Nito Sa Kasalukuyan