Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Pananaliksik”
PANANALIKSIK – Sa paksang ito, tatalakayin natin kung ano ang pananaliksik, ang depinisyon nito, at mga halimbawa.
Ang pananaliksik ay ang pag-alam o pagtuklas at pagsubok sa isang teorya. Ginagawa ito upang malutas ang mga problema at suliranin na kailangan gawan ng solusyon.
Bukod rito, ito rin ay isang sistematikong paghahanap ng mga importanteng impormasyon tungkol sa isang tiyak na paksa o problema.
Isang halimbawa ng pananaliksik ay ang pagtuklas ng gamot para sa COVID-19. Ayon sa ilang mga experto, maaring 18 months hanggang 2 taon pa bago maka hanap ng gamot para dito.
Ang pananaliksik ay pwedeng ma hati sa iba’t-ibang klase depende sa kung paano ito gagawin. May pananaliksik na ginagamitan ng “social science” may iba naman na gumagamit ng quantitative o qualitative na impormasyon.
Ayon sa iba’t ibang mga manunulat, eto ang kahulugan ng pananaliksik.
- Kerlinger, 1973
- ito ay isang sistematiko, kontrolado, panigurado sa obsebasyon, at panunuri ng mga panukalang hypotetikal ukol sa inaakalang relasyon sa mga natural na pangyayari
- Manuel at Medel, 1976
- Ito ay isang proseso ng pangangalap ng impormasyon o datos para masolusyonan ang isang karaniwang problema sa paraang siyentipiko
- Aquina, 1974
- Ito ay isang detalyadong kahulugan at isang sistematikong paghahanap at pagsusuri sa mga importanteng impormasyon tungkol sa isang tiyak na paksa o suliranin
BASAHIN RIN: Katangian Ng Ibong Adarna – Kahulugan At Katangian Ng Ibong Adarna