SISTEMANG SOLAR – Sa paksang ito, ating aaralin at aalamin ang mga sumusunod na walong planeta sa tinatawag na sistemang solar.
Ang sistemang solar ay isang sistema na kung saan ang araw ay ang gitna nito at ang kanyang grabidad o gravity sa Ingles ay nagbubuo ng walong planeta, kabilang dito ang Daigdig o Earth, at iba pang mga bagay sa panlabas na kalawakan.
Ano Ang Walong Mga Planeta?
- Merkuryo | Mercury
- Ang pinakamabilis na planeta na ipinangalan sa Romanong dios-diosan na si Mercury. Napalibutan niya ang araw sa loob ng 88 araw-pandaigdig.
- Benus | Venus
- Ang pinakamainit na planeta na ipinangalan sa Romanong dios-diosan na si Venus
- Daigdig | Earth
- Ang natatanging planeta na mayroong nananahan na mga nabubuhay na mga nilalang. Ito ang ating tahanang planeta.
- Marte | Mars
- Kinikilala rin bilang ang pulang planeta, ang pang-ibabaw nito ay naapekto ng mga bulkan, salpukan ng ibang mga katawang pangkalawakan, galaw nito, at mga epektong atmospero.
- Hupiter | Jupiter
- Ang pinakamalaking planeta sa sistema na isang napakalaking bola ng gas. Mayroon itong apat na buwan: Io, Europa, Ganymede, at Kallysto.
- Saturno | Saturn
- Ang planetang masingsing na binubuo ng hydrogen at helium. Ang singsing nito ay binubuo ng tubig at yelo.
- Urano | Uranus
- Ang planetang tagilid na umuulan ng mga diamante.
- Neptuno | Neptune
- Ang pinakamahanging plaeta na isa sa mga higanteng yelo sa sistema/
- Pluto, Eres At Seres | Pluto, Eris and Ceres
- Mga diwendeng planeta.
Maari mong basahin ang bersyong Ingles ng paksang ito dito.
BASAHIN DIN: What Are Cleaning Agents? Meaning And The Four Types