Ano Ang Mga Anyong Lupa At Anyong Tubig Na Nakapaligid Sa Pilipinas?

Ano Ang Mga Anyong Lupa At Anyong Tubig Na Nakapaligid Sa Pilipinas?

PILIPINAS – Sa paksang ito, ating alamin ang mga anyong lupa at anyong tubig na nakapaligid sa arkipelagong bansang ang Pilipinas.

PILIPINAS
Image from: RMN

Ang bansang Pilipinas o kilala sa opisyal na pangalan na ang “Republika ng Pilipinas”, ay isang arkipelago na nasa Timog-Silangang Asya. Ito ay binubuo ng higit 7.6 libong isla.

Ang kabesera ng bansa ay ang Lungsod ng Maynila. Ito ay ibinahagi sa tatlong malaking pangkat na heograpikal:

  • Luzon
    • Ang pinakamalaking pangkat ng pulo at nasa hilagang bahagi ng bansa at nabubuo ng walong rehiyon:
      • Rehiyong Ilokos
      • Lambak ng Cagayan
      • Rehiyong Administratibo ng Cordillera
      • Gitnang Luzon
      • Pambansang Rehiyong Kapital
      • CaLaBaRZon
      • MiMaRoPa
      • Rehiyong Bikol
  • Visayas
    • Ang pinakamaliit na pangkat ng pulo at nasa gitna ng arkipelago. Binubuo ito ng tatlong rehiyon:
      • Kanlurang Visayas
      • Gitnang Visayas
      • Silangang Visayas
  • Mindanao
    • Ang ikalawang pinakamalaking pangkat ng pulo at nasa timog ng Pilipinas. Binubuo ito ng anim na rehiyon:
      • Tangway ng Zamboanga
      • Hilagang Mindanao
      • Rehiyong Davao
      • SoCCSKSarGen
      • Rehiyong Caraga
      • Rehiyong Awtonomo ng Bangsamoro sa Muslim Mindanao

Ang pamahalaan ay isang unitary, presidensyal at konstitusyonal na republika na pinamumunuan ngayon ni Presidente Rodrigo Duterte.

Ito ay may lawak ng 300, 000 square kilometro o 120, 000 square milya at may populasyon ng higit 100 milyong katao (2015).

Mga nakapaligid sa Pilipinas

  • Lupa
    • Hilaga
      • Isla ng Republika ng Tsina o Taiwan
    • Hilagang Silangan
      • Isla ng mga Hapon o Japan
    • Kanluran
      • Sosyalistang Republika ng Vietnam o Vietnam
    • Silangan
      • Isla ng Republika ng Palau o Palau
    • Timog
      • Malaysia
      • Arkipelago ng Republika ng Indonesia o Indonesia
  • Tubig
    • Kanluran
      • Dagat Timog Tsina
    • Silangan
      • Dagat Pilipinas
    • Timog
      • Dagat Celebes o Laut Sulawesi

BASAHIN DIN – Pinakamalaking Anyong Tubig – Ano Ang Pinakamalaki Sa Mundo?

Check out our latest news at philnews.ph

Leave a Comment