Sagot Sa Tanong Kung Ano Ang Anyong Tubig Na Nasa Timugang Bahagi Ng Pilipnas?
ANYONG TUBIG – Sa paksang ito, ating alamin at sagutin kung ano ang anyong tubig na nasa timog na bahagi ng Pilipinas.
Ang bansang arkipelagong Pilipinas ay napapaligiran ng karagatan at mga dagat gaya ng Dagat Kanlurang Pilipinas na nasa kanlurang bahagi ng bansa o ang Karagatang Pasipiko na nasa silangang bahagi ng Pilipinas.
Sagot
Pero ang tanong, ano naman ang nasa timugang bahagi ng Pilipinas? Ang sagot ay ang Dagat Celebes
Kilala rin bilang Dagat Selebes o sa Indonesia ay Laut Sulawesi, ito ay isang dagat na nasa kanlurang bahagi ng Karagatang Pasipiko.
Ito ay napalibutan ng Arkipelagong Sulu, ang Isla ng Mindanao at ang Dagat Sulu sa hilaga; ang mga Isla ng Sangihe na nasa silangan; ang Tangway ng Minahassa ng Sulawesi na nasa timog; at ang Kalimantan na bahagi ng Isla ng Borneo na nasa kanluran.
May kalawakan ng 280, 000 square kilometro o 110, 000 square milya; at kalaliman ng 20, 300 feet o 6, 200 metro.
Ang Dagat Celebes ay isang bahagi ng sinaunang basing karagatan na nabuo noong 42 milyong taon. Ang dagat ay tahanan ng malawak na barayti ng mga isda at mga hayop pantubig. Dahil sa tropikal na lugar at mainit-init na tubig, higit sa limang daan na mga coral ang mga nakatira.
Ang dagat ay mayroon ring mga iba’t ibang mga uri ng hayop pantubig gaya ng mga butanding, dolphin, pagong, manta ray, eagleray, barakuda, manumbok, at iba pa. Ang dagat ay sariwa rin sa tuna at yellowfin tuna.
BASAHIN DIN – Ano Ang Kalagayang Panlipunan Ng Brazil? (Sagot)
Ano ang pinaka malaking anyong tubig SA mundo