Bakit Kailangan Na Ipagdiwang Ang Ninoy Aquino Day?

Ninoy Aquino Day – Bakit Ito Idiniriwang Ng Maraming Pilipino?

NINOY AQUINO DAY – Sa paksang ito, ating sasagutin ang tanong sa espesyal na okasyong ito kung bakit dapat ipagdiwang ang Ninoy Aquino Day.

NINOY AQUINO DAY
Image from: Positively Filipino

Ngayon ay Agosto 21 at sa araw na ito ay ipinagdiriwang ang mahalagang okasyon na tinatawag ay Ninoy Aquino Day o kilala rin bilang ang Paggunita ng Pagpatay ni Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. (Commemoration of the Assassination of Senator Benigno “Ninoy” Aquino, Jr.).

Ang sagot sa tanong kung bakit dapag ipagdiwang ang okasyon ay ito ay nagpapaalala sa pagpatay ng isang politiko na si Senador Benigno “Ninoy” Aquino, ang asawa ng dating presidenteng si Corazon Aquino at ang ama ng dating presidenteng si Benigno “Noynoy” Aquino III.

Si Aquino, na isa ring gobernador ng Tarlac, ang namuno ng pangkat laban sa administrasyon ni Marcos. Pinatay siya sa Manila International Airport (ngayon ay Ninoy Aquino International Airport) sa araw na ito ng taong 1983.

Ang mag-asawa ay ipinuri ng mga Pilipino na mga bayani. Ang pagpatay sa senador ang isa sa mga sanhi ng pagkaalis ng pwesto ni dating presidenteng si Ferdinand Marcos.

Ayon sa isang artikulo mula sa Philippine News Agency, Sa araw ring ito ay ipinatupad ang polisiyang “No work, no pay”, kaya nga isa itong mahalagang non-working okasyon, ayon sa Department of Labor and Employment ng Martes.

Ito ay ipinatupad kapag may mga empleyado na hindi nagtatrabaho sa araw na ito maliban na lang kung mayroong kompanya na may mga polisiya, pagsasagawa, o collective bargaining agreement (CBA) na nagpapayag na ibibigay ang sweldo sa empleyado.

Base sa artikulo, ang mga empleyado sa mga pribadong kompanya ay mayroong dagdag sweldo ng 30% sa mga unang walong oras ng trabaho, ayon sa DOLE.

Ang okasyong ito ay ayon sa Proclamation No. 789, series of 2019.

BASAHIN DIN: ANTONIO LUNA – Interesting Facts About The Fiercest General

Leave a Comment