TULA PARA SA INA – Mga Halimbawa Ng Tulang Nito

Narito Ang Mga Halimbawa Na Mga Tula Para Sa Ina

TULA PARA SA INA – Narito ang mga mga iba’t ibang mga halimbawa ng tula para sa ina na maari ninyong gamitin sa mga okasyong tungkol sa ina.

TULA PARA SA INA
Image from: Kinder Heaven

Sa mga panahong katulad ng Mother’s Day, kaarawan ng inyong ina, o nais mong ipasalamat ang iyong ina sa pag-aalaga at pagtuturo sa iyo na maging mabuting tao, narito ang mga tulang maari ninyong gamitin para sa inyong mga ina sa buhay, biolohikal man o hindi.

Mga Tula

Unang tibok
Unang pintig
Nagmula sa iyong
Walang bahid


Hindi alintana
Kung gaano kasakit
Mailabas lang ako
Malakas man ang iyong impit

Inalagaan mo
Bawat saglit
Hanggang sa marining
Itong munting tinig


Sa pagtulog ko
Ikaw’y nakatitig
Sa mga pisngi kong
Pagkaliit-iit


Gatas
Na sa iyo nagmula
Sa akin
Ay lubusang nagpasigla


Hanggang sa ako
Ay magsalita
Panay ang halik mo
Sa pisngi kong mapula


Ulo ko
Ay inalagaan mo sa hilot
Upang sa paglaki ko
Ay tunay na mamilog


Sa aking pagligo
Hindi mo iniwanan
Isusuot
Ang baru-baruan


Ibabandila
Ang iyong pinagtiyagaang
Binurda
Ang aking pangalan

Nang ako
Ay unang humakbang
Larawan ko
Ay ipinangalandakan


Binanggit
Sa aking mga pinsan
Kaya naman ako’y
Kanilang kinagiliwan


Sa tuwing ulan
Ay papatak
Naisip ko
Nuong ako’y umiiyak


Hindi ka mapakali
Sa aking pag-iyak
Kakargahin ako
Buong magdamag


Taun-taon
Ginugunita
Kung gaano ka
Kadakila


Maubos man
Ang lahat ng salita
Pati na
Ang aking mga luha


Hindi ko pa rin
Maikakaila
Sa pusod mo ako
Unang huminga


Salamat sa iyo
Aking ina
Sapagkat ako’y pinalaki mo
Na may disiplina


Kahit saang lupalop
Ako magpunta
Nasa puso’t isip ko
Ang iyong pagkalinga


Ngayong malabo na
Ang iyong mga mata
Mga letra ng tula ko’y
Hindi mo na makita


Inay
Huwag kang mag-alala
Nandyan ang apo ninyo
At siya ang babasa


Inay mahal na mahal kita.

Sa Pusod Mo Aking Ina ni Francis Morilao

O’ irog kong inang tanging sinisinta
Daghing pagyao mo’y nagbibigay-dusa;
Sa abang puso kong sa yo’y nagmamahal;
Sa kaisipan koy laging nakakintal.


Maghapo’t magdamag na nagtutumangis,
Hindi matanggap ang dagli noong pag-alis;
Pag-aarugay mo’y hinaharap pa rin;
Nang mahal mong anak puno ng panimdim.


Nagdaang kahapong laging nasa isip,
Mga pangaral mo’y puno ng pag-ibig;
Minsa’y kagalitan, munting pagkamali;
Pinaparusahan walang pasubali.


Sa mga anak ko’y ina saan ka man ngayon,
Diringgin mo sana itong aking tugon;
Sa mga kalinga at pagmamahal mo,
Itong munting tula ang tanging handog ko.


Paalam na inay, Inay paalam na,
Sa langit hintayin, doo’y magkikita;
Alaala mo ‘nay aking tanging aliw;
Pagmamahal sa yo’y walang pagmamaliw.

Alaala ng Aking Ina ni Rose J. Bunga

Maligayang kaarawan sayo aking ina,
Sana ngayong araw ikaw ay maging masaya.
Mga problema ay wag munang isipin,
Dahil ngayon ika’y aming pasasayahin.


Una sa lahat nais kong mag pasalamat,
Sa pag agapay sa amin mula nung isilang.
Sa pagtugon sa aming mga pangangailangan,
Sa pag tanggap sa amin mula sa kamalian.


Kayo ay maituturing na isang DAKILA,
Hindi lang dakilang ina kundi dakilang lola.
Lahat ng sakripisyo ay inyo ng ginawa,
Dahil ang inyong nais kami ay guminhawa.


Maraming salamat sa lahat lahat aking ina.
Sa pag aaruga mula pagkabata.
Mahal na mahal kita ang aking ina.

Maligayang Kaarawan Aking Ina! ni Luisa

BASAHIN DIN – HALIMBAWA NG HAIKU – Tulang Mula Sa Mga Hapon

Leave a Comment