EPIKO – Mga Halimbawa Nito At Ang Kabuuan Nila
EPIKO- Sa paksang ito, malalaman natin ang ibig sabihin ng epiko at tuklasin natin ang mga iba’t ibang halimbawa nitong tulang panitikan.
Kahulugan
Ayon sa KapitBisig, ito ay isang pangunahing pasalitang anyo ng pampanitikan na matatagpuan sa mga iba’t-ibang grupong etniko. May mga iba’t ibang katangian nito:
Ayon sa KapitBisig, ito ay isang pangunahing pasalitang anyo ng pampanitikan na matatagpuan sa mga iba’t-ibang grupong etniko. May mga iba’t ibang katangian nito:
- Base ito sa kahima-himala / kapangyarihang higit sa karaniwang magagawa ng tao o taong nagpapakilala ng kabayanihan noong unang panahon;
- Mula ito sa tradisyong pasalita;
- Binubuo ito ng tula;
- Kadalasang ito ay kinakanta o
- Binibigkas ng paulit-ulit sa tonong pakanta.
Base sa ulat, kahit sa panahon natin ngayon, ang epiko ay mayroon pa ring lugar sa buhay ng mga katutubong minorya at kinakanta sa panahon ng pagtitipon, tulad ng kasalan at lamayan.
Umaaliw ito sa komunidad ng kapuri-puring gawain ng kanilang mga ninuno at naghahatid sa mga kaugalian at paniniwala ng mga nakaraang henerasyon, malimit ay nagbibigay ng halimbawa para sa mga susunod na henerasyon.
Sa pamamagitan nito, naghahatid tayo ng mga alaala ng ating mga ninuno, ang kabuuan ng malayang daigdig at ang tunay na anyo nito sa mundo.
Mga halimbawa
- Agyu : Ang Ilianon Epiko ng Mindanao (mula sa Manobos ng North Cotabato)
- Hudhud hi Aliguyon (Awit ng Pag-aani ng Ifugao)
- Kudaman (mula sa Palawan)
- Lumalindaw (mula sa Ga’dang)
- Ang Epiko ni Labaw Donggon (ng mga taga-Sulod ng Central Panay)
- Ang Epiko ng Nalandangan: Ang Paghahanap ni Matabagka. sa Diyos ng Hangin (ng mga taga-Talaandig ng Central Bukidnon)
- Ang Guman ng Dumalinao (ng tribung Suban-on ng Northwestern Mindanao)
- Ang Ibalon (from the Bikol region)
- Ang Kaharian ni Keboklagan (ng tribung Suban-on tribe ng Northwestern Mindanao)
- Ang Biag ni Lam-ang (Iang Epikong Ilokano )
- The Maiden of the Buhong Sky (isang epiko ng isang bayaning Manuvu na si”Tuwaang”)
- Tulalang Slays the Dragon (ng Ilianen Manobo ng North Central Cotabato)
- Tuwaang Attends a Wedding (ang ikalawang awit ng mga Manuvu Ethnoepic Tuwaang cycle)
- Ulahingan: The Visit of Lagaba’an to Nelendangan (ng mga Manobos ng North Cotabato)