Nang At Ng Pinagkaiba (Kaibahan At Gamit Sa Pangungusap)

NANG AT NG PINAGKAIBA – Ang tamang paggamit ng “ng” at “nang” sa pangungusap at mga halimbawa nito na dapat mong aralin.

Ano nga ba ang pagkakaiba ng “ng” at “nang”? Madalas ay mali ang ating paggamit sa pangungusap at sa panahon ngayon, marami pa rin sa atin ang hindi alam kung paano gamitin ang mga ito. Alamin ang wastong paraan at mga halimbawa nito!

Ng at Nang Sa Pangungusap – Mga Halimbawang Pangungusap

Tamang paggamit ng Ng at Nang sa pangungusap at sampung (10) halimbawa.

NG AT NANG SA PANGUNGUSAP – Ito ang mga halimbawang pangungusap na nagpapakita ng wastong paggamit ng “ng” at “nang”.

Isa sa mga nakakalitong mga salita na gamitin ay ang “ng” at “nang”. Sa isang tingin, dalawang titik ang kanilang pagkakaiba pero sa kung paano sila bigkasin ay magkatulad na magkatulad. Ano nga ba ang pagkakaiba ng dalawa? Ano ang wastong gamit nila?

Ang “Ng” ay sumasagot sa mga tanong na ano at nino. Ito ay ginagamit bilang pang-uko o preposition sa Ingles na nagpapahayag ng may pagmamamay-ari. Ito ay makikita sa pagitan ng dalawang pangngalan o noun. Ang pag-aaring tinutukoy ay ang anumang pangngalan (tao, bagay, lugar, hayop, ideya, at pangyayari) maliban sa pangngalang pantangi na ang tinutukoy ay ngalan ng tao, karakter, o hayop o ang tinatawag na mga proper nouns.

Tingnan sa baba:

Ito ay laruan ng aso. (Tama)
Ito ay laruan (ng) Manuel. (Mali) ; ang tamang pangungusap ay Ito ay laruan (ni) Manuel.

Mga halimbawa:

  1. Bakit nabasag ang salamin ng iyong sasakyan?
  2. Ako ang nagluto ng masarap na lumpia.
  3. Nasaan na ang kalabaw ng magsasaka?
  4. Isulat ang layunin ng pelikula na napanood kahapon.
  5. Nabutas ang bulsa ng pantalon ni Tatay.

Ang “Nang” ay sumasagot sa mga tanong na paano, kailan, gaano, at bakit. Ginagamit ito bilang pananda na sinusundan ng pang-abay o adverb, bilang pangatnig o conjunction, bilang pang-angkop, bilang pinagsamang na at na, at bilang pinagsamang na at ng.

Mga halimbawa:

  1. Bakit umalis ka nang hindi nagpapaalam sa iyong ama? (pinagsamang na at na)
  2. Isinarado nang aking ina ang kanyang tindahan ng maaga. (pinagsamang na at ng)
  3. Sigaw ka nang sigaw sa akin hindi naman ako bingi. (bilang pang-angkop)
  4. Manonood ako ng balita nang malaman ko kung ano ang nangyayari sa bansa dahil sa pandemya. (bilang pangatinig)
  5. Magkikita kami mamaya nang alas siyete sa likod ng simbahan. (bilang sagot sa tanong na kailan)

BASAHIN:

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook: @PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment