Anyo Ng Silangang Asya Na Dapat Mong Malaman
ANYO NG SILANGANG ASYA – Ito ang mga katangian at anyo ng Silangang Asya, isang parte ng pinakamalaking kontinente ng mundo – ang Asya.
Ang Asya ay ang pinakamalaking kontinente sa mundo at bilang pinakamalaking kontinente, ito ay may hawak ng pinakamalaking bahagdan ng populasyon. Ito ay may sukat na 44,579,000 square kilometers o 17,212,000 square miles.
Sa kanlurang Asya ay matatagpuan ang kontinente ng Europa, sa timog-silangan at silangan ang Awstralya at Osyanya, at sa timog-kanluran naman ang Aprika. Ang Asya ay nahihiwalay sa Europa sa pamamagitan ng mga bulubundukin ng Ural patungong Dagat Caspian, Bulubundukin ng Kaukasya at sa Dagat Itim.
Nahahati ang Asya at Aprika ng Suez Canal at Bering Strait naman ang namamagitan dito at sa Hilagang Amerika.
Ang kontinente ng Asya ay napapaligiran ng Karagatang Artiko sa Hilaga, Karagatang Indian sa Timog, at Karagatang Pasipiko sa Silangan.
At ang rehiyong Silangang Asya ay binubuo ng mga bansang:
- Japan
- Taiwan
- Mongolia
- China
- hong Kong
- Macau
- North Korea
- South Korea
Sa pisikal na kaanyuan, maraming mga bulubundukin dito, matataas ang talampas, highland hill, at mga tangway. Malawak din ang mga lupang sakahan sa rehiyong ito. Ang mga lugar ay may iba’t ibang kultura pero marami ang mga similaridad ng mga ito.
Sa klima naman ay nagkakaiba rin. Kaktulad ng Mongolia at China, ang klima dito ay semiarid o ang mainit na tag-araw, taglamig, at pag-ulan na hindi madalas. Humid naman ang nararanasan ng mga bansang Tsina sa Hilagang Silangan na parte nito at hilagang bahagi ng Korea. At ang China at Japan ay nakakaranas din ng madalas na pag-ulan o ang tinatawag na humid subtropical.
Ang mga etniko ng rehiyon na ito ng Asya ay ang mga sumusunod:
- Han, Manchu, Chuang, Miao-Yao, at Hui sa China
- Mongol sa Mongolia
- Magsasakang Tibetano sa Tibet
- Ainu sa Japan; at marami pang iba
READ ALSO:
- Luis Gatmaitan Biography – Life Story Of The “Sandosenang Sapatos” Writer
- Present Perfect Tense Examples, How To Correctly Use Them In A Sentence
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook: @PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.