Talambuhay Ni Pedro Paterno – Ang Kwento Ng Buhay Ni Pedro Paterno

Ito and talambuhay ni Pedro Paterno. Alamin dito.

TALAMBUHAY NI PEDRO PATERNO – Sikat siya bilang siya ang nagsulat ng Pact of Biak-na-Bato at ito ang kwento ng kanyang buhay.

Noong Pebrero 27, 1857, si Pedro Paterno ay ipinanganak. Siya ay ipinanganak at lumaki sa Sta. Cruz, Manila. Nag-aral siya sa Ateneo de Manila at nagtapos ng abogasya sa Espanya kung saan niya ipinagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Nag-aral siya ng mga kursong Pilosopiya at Teolohiya.

Talambuhay Ni Pedro Paterno
Photo lifted from The Kahimyang Project

Noong kanyang kapanahunan, siya ay isang tanyag na manunulat at bilang isang manunulat, siya ay nakapagsulat na ng maraming mga akda kabilang na dito ang kasunduan ng Biak-Na-Bato. Siya rin ang nagsilibing peacemaker o pumagitna sa pagitan ng mga Kastila at Espanyol upang makamit ang kapayapaan.

Ang Sampaguita ay kanyang nasulat noong 1880 habang ang Ninay at ang La Antiqua Civilizacion Tagala ay naisulat niya noong taong 1885.

Nahalal siya bilang pangulo ng Malolos Congress noong Setyembre 15, 1898 at naging tagapayo sa paggwa ng mga batas sa Malolos Konstitusyon. Bilang isang pinuno, lagi niyang pinapairal ang ang mapayapang diplomasya upang maging mapayapa ang mga usapin sa pagitan ng mga partido tungkol sa politika.

Siya ay namatay sa edad na 54 noong Abril 1911.

Ang ilan sa mga sikat niyang gawa ay:

  • Influencia Social del Cristianismo, 1876 pamphlet
  • Sampaguitas y otras poesías varias, 1880 anthology of poems
  • Ninay, 1885 novel
  • Magdapio, 1903 four-part opera
  • Aurora social, 1910–11 collection of novellas
  • Los ultimos romanticos: en la erupción del Volcán de Taal, 1911

Sa mga pelikula, ang kanyang pagkatao ay pinagganapan ng mga aktor tulad nina Yul Servo sa El Presidente, Leo Martinez sa Heneral Luna at Goyo: Ang Batang Heneral, at JV Ibesate sa hit musical na Mabining Mandirigma.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook: @PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.