Ito ang mga kahalagahan ng dula sa panitikan at buhay ng isang tao.
KAHALAGAHAN NG DULA – Alamin kung bakit mahalaga ang isang dula sa buhay ng isang tao at sa panitikang Pilipino.
Ang Ama ng Dulang Tagalog ay si Severino Reyes o mas kilala bilang Lola Basyang. Siya ang tao sa likod ng mga titik at kwento ni Lola Basyang. Ang isang dula ay “likhang sining kung saan ang mga karakter sa isang kwento ay isinasabuhay ng mga aktor sa isang tanghalan”.
Ang dula ay may script na sinusunod ng mga aktor. Ito rin ay may mga tauhan, wika, at musika. Mayroon din itong natatanging paraan sa pagtatanghal pero halos lahat ng bahagi kung paano itanghal ay naayon sa gusto ng isang direktor. Ang isang dula ay binubuo ng mga sangkap tulad ng tagpuan, tauhan, suliranin, saglit na kasiglahan, tunggalian, kasukdulan, kakalasan, at kalutasan.
It ang iba’s ibang uri ng dula:
- Dulang panradyo
- Dulang pantelibisyon
- Dulang panlansangan
- Tulang Padula
- Dulang Komedya
Samantala, ito naman ang ilan sa mga sikat na gawa ng Ama ng Dulang Tagalog:
- Filipinas Para Los Filipinos
- Puso Ng Isang Pilipina
- Bagong Fausto
- Alma Filipina
- Tatlong Babae
- Tatlong Bituin
- Mga Pusong Dakila
Ang isang dula, sa buhay ng tao ay naglalarawan ng mga damdamin at pananaw. Ipinapamalas din nito ang mga katangiang umiiral sa buhay gaya ng mga tao at mga suliranin at karamihan sa mga dulang ito ay hango samga pangyayari na nangyayari talaga sa totoong buhay.
At bilang akdang panitikan, naipapakita nito ang mga katutubong kultura, paniniwala, at tradisyon. Ang mga dula ay naglalarawan ng paghihirap at pagpupunyagi sa buhay ng mga katutubong Pilipino at nagpapakita ng kanilang mga pamahalaan at uri ng lipunan.
Samakatuwid, ang dula ang nagbibigay ng malawak na pang-unawasa kultura ng Pilipino at nagsisibling gabay upang gumawa at mamuhay ng mabuti ang mga tao.
READ ALSO:
- Romantisismo Kahulugan, Ano Ang Teoryang Romantisismo
- Bienvenido Santos Biography – Life Story and Famous Works Of The Writer
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook: @PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.