Romantisismo Kahulugan, Ano Ang Teoryang Romantisismo

Aralin ang romantisismo kahulugan at ang Teoryang Romantisismo na nais mong alamin.

ROMANTISISMO KAHULUGAN – Sa araling ito, tatalakayin natin kung ano ang kahulugan ng romantisismo at ang Teoryang Romantisismo.

Ang ibig sabihin ng “romantisismo” ay ang pagpapahalaga ng damdamin kaysa sa isip. Ang salitang romantiko ya nagsimula noong ika-18 na siglo. At ang romantisismo bilang teorya ay nagbibigay diin sa iba’t ibang damdamin na nakapaloob sa isang akda.

Romantisismo Kahulugan

Sa panahon ng Romantisismo, ang paraan ng pagsulat ay may pagkaromantiko sa paksa, tema, at istilo. Ito ay nagtatalakay ng pagtakas sa katotohanan, heroismo, at pantasya. Ang kaisipan nito ay mas pahalagahan ang isang indibidwal, imahenasyon, orihinalidad, at perpeksiyon.

Ang inspirasyon sa ganitong klaseng pagsusulat ay sina Jean Rousseau, isang Pranses, at Johan Wolfgang Van Goethe, isang Aleman.

Sa panitikang Pilipino, ang ilan sa mga makakatang romantiko sa panulaan ay sina Jose Corazon de Jesus, Lope K. Santos, Ildefonso Santos, Florentino Collanes, Inigo Regalado, Teodoro Gener, at marami pang iba. Habang sina Macario Pineda, Jose Esperanza Cruz, Fausto Galauran, at iba pa sa mga maiikling kwento at mga nobela.

Ito ang dalawang uri ng Romantisismo:

  • Tradisyunal – pagtalakay sa makasaysayan at tradisyunal na mga pagpapahalaga tulad ng nasyonalismo, pagkamaginoo at pagka-Kristyano.
  • Rebolusyonaryo – ito ang pagtalakay sa paggawa ng bagong kultura na may pagpupumiglas, kapusukan, at pagkamakasarili.

Ito ang mga katangian ng romantisismo:

  1. Pinapahalagahan ang kagandahan ng kalikasan.
  2. Mas pinapahalagahan ang damdamin kaysa sa kaisipan.
  3. Pagpapahalaga sa kalayaan at sa lupang sinilangan.
  4. Naniniwala sa kabutihang taglay ng tao.
  5. Mas pinapahalagahan ang espiritwalidad kaysa sa mga materyal na bagay.
  6. Pagpapahalaga sa dignidad.  

Ang kasalungat ng romantisismo ay klasisismo at neoklasisismo.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook: @PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.