Share to Facebook Share to Twitter More...

Narito ang ilan sa mahihirap na salita sa wikang Filipino

Lingid sa ating kaalaman ay marami pa rin ang mga salita sa wikang Filipino ang hindi pa natin nalalaman.

Sa araling ito ay ating tutuklasin ang ilan sa mahihirap na salitang Filipino at kung ano ang kahulugan ng mga ito.

Maliban pa diyan ay atin rin aalamin ang katumbas nitong salita kung isasalin sa wikang Ingles o English.

mahihirap na salitang Filipino

Bisitahin: Malalim Na Salitang Filipino – Halimbawa At Kahulugan Nito

  1. Sulatroniko
    Pagsasalin sa Ingles: E-mail
    Kahulugan: Isang sistema para sa pagpapadala ng mga mensahe mula sa isang computer patungo sa isa pang computer.
  2. Yakis
    Pagsasalin sa Ingles: “To sharpen”
    Kahulugan: Upang patalasin ang isang bagay.
  3. Panginain
    Pagsasalin sa Ingles: Browser
    Kahulugan: Isang computer program na ginagamit upang maghanap at tumingin ng impormasyon sa Internet.
  4. Pantablay
    Pagsasalin sa Ingles: Charger
    Kahulugan: Isang device na ginagamit para sa pag-charge ng mga baterya.
  5. Kawingan
    Pagsasalin sa Ingles: Hyperlink
    Kahulugan: Ang naka-highlight na salita o larawan sa isang dokumento o Web page na maaari mong i-click gamit ang isang computer mouse upang pumunta sa ibang ibang dokumento o Web page.
  6. Initsigan
    Pagsasalin sa Ingles: Thermodynamics
    Kahulugan: Isang agham na tumatalakay sa pagkilos ng init at mga kaugnay na anyo ng enerhiya.
  7. Danumsigwasan
    Pagsasalin sa Ingles: Hydraulics
    Kahulugan: Ang agham na tumatalakay sa mga paraan ng paggamit ng likido (tulad ng tubig) kapag ito ay gumagalaw.
  8. Asoge
    Pagsasalin sa Ingles: Mercury
    Kahulugan: Isang pilak na metal na likido sa normal na temperatura.
  9. Anluwage
    Pagsasalin sa Ingles: Carpenter
    Kahulugan: Isang tao na ang trabaho ay gumawa o ayusin ang mga bagay na gawa sa kahoy o mga bahaging kahoy ng mga gusali.

Salamat sa pagbisita sa Philnews.ph. Maaari mong ipahayag ang iyong mga saloobin at reaksyon sa comment section sa ibaba. Maaari mo rin kaming sundan sa FacebookTwitter, at mag-subscribe sa aming YouTube channel Philnews Ph.

Share to Facebook Share to Twitter More...

comment(s) for this post "9 Mahihirap na Salita sa Filipino – Pagsasalin sa Ingles at Kahulugan". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.