Heto Ang Halimbawa Ng Epekto Ng Pagdami Ng Sasakyan
PAGDAMI NG SASAKYAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang epekto ng pagdami ng sasakyan at ang mga halimbawa nito.
Sa kasalukuyang panahon, mas dumadami na ang mga tao na may sasakyan. Ito’y dahil sa globalisasyon, at pagiging mas abot kaya ang pagbili ng mga ito.
Pero, kahit na maganda para sa isang indibidwal na magkaroon ng sasakyan, ito rin ay may mga masasamang epekto lalo na sa ating mundo.
Ang pagdami ng mga sasakyan ay nagdudulot ng lubusang pagtaas ng Co2 sa ating atmosphere. Dahil dito, lumalaki ang kontribusyon natin sa global warming.
Isa rin sa mga epekto ng pagdami ng mga sasakyan ay ang masamang trapiko. Ang pagdami ng mga pribadong sasakyan sa kalsada ay nagdudulot ng maraming abala sa pagdating sa daloy ng trapiko lalo na sa mga pangunahing kalsada.
Kaya naman, ipinatupad sa mga lungsod katulad ng Maynila ang number coding at color coding schemes para sa mga sasakyan.
Isa sa mga solusyon para dito ay ang paggamit ng mas maraming mga bus para maka sakay ang mas maraming tao. Kapag mapaunlad na rin ang iba pang modus ng transportasyon, posibleng mawala na rin ang mga problema sa trapiko.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Aling Batas Ang Nangangalaga Sa Kapakanan Ng Mamimili? (Sagot)