Heto Ang Mga Halimbawa Ng Slogan Tungkol Sa Katotohanan
SLOGAN SA KATOTOHANAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan ang mga halimbawa ng mga slogan tungkol sa katotohanan.
BAKIT MAHALAGA ANG KATOTOHANAN? – Mahalaga ang katotohanan dahil ito’y nagpapakita ng tamang karakter ng isang indibidwal.
Ang katotohanan ay isang produkto ng mabuting kilos-loob. At dahil dito, mas napapabuti ang ating pagpapasiya sa kung ano ang tama at mali.
Bukod dito, ang katotohanan rin ay isang bagay nagpapakita na ikaw ay may integridad at isang tao na karapat-dapat na bigyan ng respeto at maaaring pagkatiwalaan.
Heto ang mga halimbawa ng slogan sa katotohanan:
- Ang katotohanan ay dapat nating ipaglaban
- Sa katotohanan, walang pagkakamali, ang hindi maniniwala dito ay bulag at bingi.
- May kalayaan sa katotohanan.
- Malaya ang taong tutoo, sa salita man o sa gawa.
- Ang tiwala ay mahirap makuha at madaling ma masira, kaya dapat totoo palagi ang lumalabas sa ating dila.
- Mahirap ang katotohanan, pero hindi dapat ito tinatalikuran.
- Katotohanan ang ayaw isagot ng mga pulitiko na kurakot.
- May katotohanan sa lahat ng pangyayari.
- Ang katotohanan dapat lagi’y ginagampanan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Kaugnayan Ng Larawan Sa Globalisasyon? (Sagot)