Saan Nabubuo Ang Bagyo? – Mga Lugar Kung Saan Nabubuo Ang Bagyo

Sagot Sa Tanong Na “Saan Nabubuo Ang Bagyo?”

BAGYO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung saan nga ba nabubuo ang bayo at bakit ito mahalaga.

Maraming bagyo ang dumadaan sa Pilipinas. Sa isang taon, mahigit sa isang bagyo ang bumibisita sa ating bansa. Dahil dito, libo-libong mga Pilipino ang naaapektuhan nito.

Saan Nabubuo Ang Bagyo? – Mga Lugar Kung Saan Nabubuo Ang Bagyo

Nang papatapos na ang taong 2021, ang bagyong Odette ang isa sa pinaka-bagong bagyo na dumating sa Pilipinas. Nagdulot ito ng matinding pinsala sa mga lugar ng Visayas at Mindanao.

Pero, paano nga ba nabubuo ang isang bagyo?

Ang mga bayo na kadalasang pumapasok sa Pilipinas ay nabubuo sa Karagatang Pasipiko. Dito natin makikita ang hangin na pupumunta sa mainit na tubig.

Ang hangin na ito ay kumukuha ng moisture at tumataas. Samantala, ang maginaw na hangin ay umiikot sa ibaba. Ito’y nagdudulot ng “pressure” kung saan napipilitan ang hangin na gumalaw ng mabilis.

Dahil dito, ang hangin ay umiikot sa gitna ng bagyo na tinatawag na “mata ng bagyo’ o “eye of the storm” sa Ingles.

Sa Pilipinas, laganap ang tinatawag na Tropical Storms dahil sa kanyang lokasyon na malapit sa Karagatang Pasipiko. Ito rin ay malapit sa gitna ng Ekwador na tinatawag na Typhoon Belt.

Isa sa mga dahilan ng patuloy na pagdami ng mga bagyo ay ang Global Warming. Dahil sa global warming mas nagiging mainit ang tubig at nagdudulot ng mas maraming bagyo na nabubuo.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Which Country Will Unlikely Experience A Volcanic Eruption

Leave a Comment